(02) 8990-0909 it@pandayan.net

CDC Buwan ng Wika Workshop

By: Krizelle Jane Mamuri
Ilagan
Published: November 18, 2025 | 99 views
Share
NItong nakaraang Linggo ay nagkaroon ako ng panibagong experience sa pagpapa-workshop. Mayroong dalawang CDC teachers ang lumapit sa Pandayan upang mag-avail ng ating workshop. Nais pala nilang tayo mismo ang mag-conduct ng kanilang program ng kanilang buwan ng wika. Magkakaroon daw kasi sila ng patimpalak ng lakan at lakambini, at ipinaubaya niya sa akin ang buong program nila. Kaya naman iniba ko ang normal flow ng usual program ng ating workshop. Hindi na ako nag-abala pang magprepare ng papremyo dahil binawas ko rito ang games at hindi ko muna sinabayan ng storytelling dahil dalawang CDC ito. Sabay-sabay at marami ang mga bata na nasa edad lamang na 3-5 yrs old. Hindi pa kaya ng span ng pasensya nila ang mahabang pakikinig. Gumawa na lang kami ng Sash para sa mga nanalo at dalawang set ito dahil 2 CDC ito. Pinagfocusan namin ang pagrampa ng kanilang costume para ma-enjoy nila at mas masulit nila ang bihis nila. Napakahabang pasensiya talaga ang kailangan pagdating sa mga participants na ganito ang edad. Interesado lang sila kapag may music o kapag may premyo. Kaya naman mabilis lang din ang flow ng program na aking ginawa upang hindi masyadong mainip ang mga bata. Pagkatapos ng pagrampa ay kami na rin ang naging hurado at binigyan ng pagkakataon ang kanilang mga Barangay officials na magsabit at mag-abot ng award sa mga nanalo. Kasunod nito ay ang workshop proper na kung saan Sagisag Board painting ang kanilang ginawa. Hindi man kagandahan ang naging output ng mga bata ay makikita naman na nag-enjoy sila sa nangyaring workshop. Nagpasalamat din ang mga guro sa atin dahil raw kahit papaano ay napagaan ang kanilang gawain para sa Buwan ng Wika at na enjoy din nila ito. #Samalikha #SiningPandayan

Comments (0)

Leave a Comment
Login to skip this step.