(02) 8990-0909 it@pandayan.net

Executive Integration 2025

By: Moc Agbayani Jr
DK
Published: November 21, 2025 | 151 views
Share
Isang masaya at memorable experience na naman ang ibinigay at ipinaranas ng Pandayan sa mga Central Executives at Store Executives. Mula sa komportableng biyahe, sobrang nakakarelax ang lugar, sariwang simoy ng hangin ang malalanghap at madadama mo. Sabayan pa ng mga masasarap na pagkain mula almusal hanggang sa hapunan.   Napakasarap gumising sa umaga, at magkakape ka sa napagandang tanawin at maririnig mo sa umaga ang mga huni ng iba’t ibang klase ng mga ibon na lumilipad sa himpapawid, at masisilayan mo ng dahan-dahan ang paglubog at paglitaw ng araw, kasabay nito ang pakiramdam na sobrang gaan at banayad ng iyong pakiramdam. Ganitong mga experience na ibinibigay ng Pandayan sa mga kapwa Panday na talagang ipagmamalaki mo kahit kanino. Napaka suwerte ko dahil naging isang kapwa Panday ako. Ikaw na mismo ang mahihiya sa sarili mo na gumawa ng mali o pagnakawan ang Pandayan. Kung palagi mo isinasaisip at isinasapuso ang mga nagawa ng Pandayan sa’yo mamahalin at ibibigay mo ang nararapat para sa ikakabuti at ikakaunlad ng Pandayan. Dahil masasabi ko na talagang tinutupad ng Pandayan ang mga pangako at nakasulat sa ating Kultura ng Tagumpay. Sa bawat kakaibang experience na binibigay ng Pandayan na kagaya nito, may mga matutunan ka rin gaya ng activity na pinagawa sa amin noong araw na iyon. Kakaibang activity dahil mayroon kaming tanong na kailangan naming sagutin. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon mapakinggan ang mga naging karanasan ng aking kasamang mga executives ng Pandayan. Ganoon din ang mahahalagang mga pangyayari o nangyari sa kanila sa Pandayan, sa pamilya at maging sa kanilang mga personal na buhay na hindi nila malilimutan. Ang iba ay talagang naging emosyonal habang nilalahad nila ang kanilang mga talambuhay at mga pangyayari sa kanilang mga buhay. Ako rin mismo ay naluluha na habang nakikinig sa kanila at noong ako naman ang naglalahad ng aking mga karanasan sa Pandayan at mga personal na buhay ko ay naluluha rin dahil sa magkahalong saya at lungkot na aking pinagdaanan. Na kung dahil dito mas nahubog ako ng husto at unti-unting nagkaroon ng direksyon ang aking buhay at natutunang mangarap para sa kinabukasan.   Pero ang higit na pinagpapasalamat ko sa lahat ay nandito pa rin ako nakatayo dahil sa hinubog ng Pandayan ang aking buong pagkatao, kung papaano maging matatag at bumangon sa pagkakadapa ng buhay. Kaya sinabi ko sa kanila na sobrang nagpapapasalamat ako sa Pandayan hindi lamang sa mga experience na kagaya nitong executive intergration.   Bagkus sa paggabay at pag-akay sa akin ng Pandayan na parang isang bata noon na walang pang kamuwang-muwang sa buhay, na walang alam at walang pangarap at mararating sa buhay. Masayang-masaya ako dahil nandito pa rin ako sa Pandayan, at patuloy na natututo sa tulong ng ating boss at lalo na po kay Boss Jun. Na walang sawang nagbibigay ng mga bagong kaalaman sa pagpapakatao, pagkamakatao, pakikipagkapwa-tao. Kung saan nagpapakita ito ng pagmamahal sa kapwa at pananampalataya sa Diyos.   #Samalikha #LakbayDiwa

Comments (0)

Leave a Comment
Login to skip this step.