(02) 8990-0909 it@pandayan.net

Impluwensya Good Governance Board

By: Julius Espenoza
Alicia
Published: October 29, 2025 | 119 views
Share
Nitong nagdaang Linggo na kung saan naka-post sa ating Good Governance Board (GGB) ang mga instructor ng ISU Echague ay maraming mga mag-aaral ng ISU ang nakapansin dito at natuwa sila dahil mga teacher daw po nila ang mga post dito. Kinaumagahan ay nagpunta mismo sa ating tindahan si Dr. Mayleen Corpuz isa sa mga nasa larawan sa ating GGB. Pagbungad pa lang niya ay makikita na sa kanyang mukha ang saya. Kinausap niya ako at sinabi na kung maari ay baka pwede silang makahingi ng copy ng kagaya sa ating GGB upang may ma-i-post din daw sila sa kanilang school, kaya naman agad ko itong ininform sa aming GE na si Ma’am Esthie at kay GE Maam Margie.   Nakakatuwa dahil kahit papaano ay napapansin na ang ating GGB. Napakaganda na nakakahikayat tayo ng mga Panauhin na kasama natin sa mag-promote nito. Ang pag-promote ng good governance ng isang indibidwal o mga organisasyon ay mahalaga dahil nakakapagbigay ito ng positibong impluwensya, nakakatulong sa pagbabago, nakakapagpabuti ng pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino. Ang isang indibidwal na nagtataguyod ng good governance ay maaari rin magbigay ng halimbawa sa iba, lalo na sa mga kabataan, sa kung paano magiging responsable at aktibong mamamayan. Sa ganitong paraan, ang pag-promote ng good governance ng bawat isa ay may malaking epekto na pagbutihin ang lipunan at pagtataguyod ng isang makatarungan at maayos na pamayanan.   #Samalikha #KapwaCommunity

Comments (0)

Leave a Comment
Login to skip this step.